Kasalanan natin ito, MNLoves.

Photo: O’Taco Bites. [Source]

Kasalanan natin ito, MNLoves.

(A piece written by O’Taco Bites, localized.)

Should you be wondering what’s this about, this is a piece written a day after MNL48’s Second General Elections.

I’ve skimmed through the source material and find that the said piece also shares my sentiments, so I decided to make a twist out of it. I took my liberty to revise the words, and I did my best to keep the thought.

You can check the original source of this piece. Feedback is always welcome especially when addressed in the right way.— Jay


Inihayag na ng MNL48 ang Top 48 ng Second General Election kahapon (Abril 27) sa ABS-CBN Vertis Tent sa Lungsod Quezon. Si Aly ang naging bagong Center Girl habang hindi nakaabot ang labindalawang miyembro mula sa unang henerasyon (sina Cassey, Madie, Necca, Gia, Nice, Jewel, Essel, Erica, Princess, Hazel, Sha at Ella) sa Top 48, na nangangahulugang sila ay nagsipagtapos kasama ng mga kenkyuusei at mga kandidata ng ikalawang henerasyon.

Samu’t-sari ang naging reaksyon ng mga tagahanga pagkatapos ng pahayag; ilan sa kanila ay emosyonal dahil hindi nakaabot sa Top 48 ang kanilang paboritong oshi, at ilan sa kanila ay dismayado na nagpahayag ng saloobin sa social media. Sa katunayan, ang #MNL48DeservesBetter ay naging isang malaking paksa ng Twitter sa Pilipinas, na siyang naging simbolo ng pagsuporta sa mga miyembro ng unang henerasyon.

Ang Aking* Pananaw pagkatapos ng General Election

Katunayan, kakatapos ko lamang panoorin ang General Election bago ko isulat ang blog na ito (HiHE**), ngunit bago pa man ito ay inaasahan ko na ilan sa mga miyembro ay hindi makakatunton sa Top 48, lalo na sa mga nasa Bottom 48 ayon sa paunang resulta.

Ito ang naghudyat sa mga panatiko upang isalba ang mga miyembro ng unang henerasyon, lalung-lalo na si Quincy Santillan na naging emosyonal habang nasa Handshake Event.

Sa kabilang banda, ilang mga tagahanga ng mga nasa ikalawang henerasyon ang umaasa na makalikom ng salapi upang ipang-boto sa kanilang mga oshi, lalo na sa mga naging tagahanga ng unang henerasyon na lumipat na sa iba.

Lumabas na ang resulta, at masakit sa damdamin na labindalawang miyambro mula sa unang henerasyon at inalis na sa MNL48 (kasumpa-sumpa).

Ako* ngayon ay masaya dahil ang aking kami-oshi (na si Ash) ay nakatuntong na sa Senbatsu, si Thea ngayon ang Center ng Under Girls at si Quincy at nakapasok sa Top 48; ngunit ako* rin ay malungkot para sa labindalawang babae na hindi nakapasok.

Alam natin na ang mga kababaihang ito ay naglaan ng isang taon para husayin ang kanilang mga personalidad at sanayin ang kanilang pag-awit at pagsayaw…

Subalit naging madali naman ang pag-angat ng ilang kandidata mula sa ikalawang henerasyon, lalo na si Jamie na ngayon ay pang-anim sa Kami 7 kumpara sa naunang resulta na wala siya sa Top 48.

Ngayon, pinupuna ang HalloHallo Entertainment (**HHE) dahil sa naiibang sistema ng pagsasagawa ng General Elections, kumpara sa ibang mga -48 groups; ngunit naiisip ko na kinailangang isaayos ng HHE ang diskarte ng kanilang pagnenegosyo upang maipagpatuloy na rin ang MNL48 Theater na halos matatapos nang gawin at bubuksan sa katapusan ng Mayo o Hunyo ngayong taon.

Ang pangunahing dahilan kung bakit ang oshi mo at natanggal ay hindi dahil sa namamahala o kung sino pa man… pagkakamali natin ito, oo, tayo.

Hindi na kailangan pang ipaliwanag kung bakit, pero higit na pinahahalagahan ang ating mga pagsisikap at sakripisyo para sa idolo natin. Tayo nang magpatuloy at suportahan ang natitirang miyembro mula sa unang henerasyon, kahit ano pang mangyari.


Notes:

  • *It is written as an opinion piece without any mention of who wrote it, so I’ll treat it as an opinion piece of O’Taco Bites as a whole.
  • **HHE is the acronym, but some people also refer to it as if they’re treating the company as big joke.